4,363

Jan 7, 2022 @ 17:10
By

Xian Gaza nganga kay Daniel Padilla

Walang napala ang self-confessed Pambansang Marites na si Xian Gaza kay Daniel Padilla.

Dedma kasi ang aktor sa paintrigang Facebook post ni Xian tungkol sa presence ni Barbie Imperial sa bahay ni Karla Estrada, nanay ni Daniel.

Agad binira ng fandom ng KathNiel si Xian at nag-trending pa ito sa Twitter Philippines.

Sa Instagram, nag-react si Daniel sa isa sa mga post ng kanilang fan club tungkol sa kanilang solid relationship. “Ang bumangga, giba,” ang sabi sa post.

Pinayuhan ni Daniel ang kanilang ng mga fan na huwag nang pansinin ang intriga ni Xian dahil “nonsense” naman aniya ito.

“Salamat haha. Pero wag niyo nang pansinin yun. Nonesense,” anang 26-year-old actor.

Nauna nang nag-react si Kathryn sa tweet ni MJ Lastimosa nang mag-trending ang isyu.

“Kabogera yun asa trending topic ha!!!” sabi ni MJ.

Reaksyon naman ni Kathryn: “Hahahahaha gagi. Alagang Ford po opo.” (IS)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?