316

By

Xian feeling ‘walang puwang’ sa showbiz

Sharing is caring!

NAGING kontrobersyal ang tweet ni Xian Lim sa kanyang social media kamakailan. Namangha ang netizens at maging ang mga kapatid niya sa industriya.

Ang tweet ni Xian ay ang nararamdaman niya mula nang pumasok siya sa showbiz. Feeling daw niya ay hindi siya welcome sa entertainment world. Showbiz rejection daw ang kanyang nararamdaman.

Pero, pinatunayan naman ni Xian na may angst siya as an actor. Nu’ng una kasi niyang pasok sa showbiz ay marami siyang naririnig na hindi marunong umarte.

Pawang negative write ups ang kanyang nababasa tungkol sa kanya.

Twit ng actor: “A bunch of people in the industry may not like me, a couple may shut me out completely and not give me a chance, some love to judge and make up lies. I say it’s fine. When all things have been said and done, be sure to do what it is that makes you happy.”

Pero, pinatunayan ni Xian na isa siyang actor sa pelikula nila ng Star For All Seasons Vilma Santos-Recto. Napansin ang kanyang husay sa pag-arte bilang anak ni Ate Vi. Later on ay nakilala na siyang actor dahil sa mga award na natanggap niya sa movie nila ni Ate Vi, ang Everything About Her.

Ayon kay Xian, ibig lang daw niya magbigay inspirasyon sa mga taong gusto ring pasukin ang industriya.

Hinggil sa rumored girlfriend niyang si Kim Chiu, masaya si Xian dahil nae-explore raw ng tsinitang actress ang pagka-versatile nito sa pag-arte.

“Kim as an artist, she can be paired with anyone, and she can be given any type of project and maganda yung kalalabasan. She’s amazing like that.”
Kasama si Xian sa movie na ipalalabas ngayong August 22, ang “Miss Granny” with James Reid at Sarah Geronimo. Aside acting mahusay din sa iba’t ibang instrumento sa musika at kumanta ang actor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?