9

By

Xiamen Air sinisingil na, bayad ng higit P70M sa MIAA

Sharing is caring!

Umabot na sa halos P72 milyon ang pababayaran ng gobyerno sa Xiamen Airlines para sa perwisyong idinulot ng pagsadsad ng isang eroplano nito sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Agosto.

Sinabi ito ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa pagharap sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services.

Higit ito sa doble ng unang sinabi ni Monreal noong Agusto na 33 milyon ang sisingilin sa Xiamen.

Sa pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Air noong gabi ng Agosto 2016, naantala ang operasyon ng NAIA at maraming nakansela at naantalang domestic at international flights.

“Umabot na po sa almost P70 milyon. Meron na kaming pinag-uusapan na karagdagang 42 million plus,” sabi ni Monreal.

Magbabayad naman umano ang Xiamen Air.

Pupunta rin sa Pilipinas ang mga opisyal ng Xiamen Air sa Setyembre 12 hanggang 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?