35

By

Xi Jinping nakaalis na ng ‘Pinas

Lulan ng China Air sa Ninoy Aquino National Airport (NAIA) 1, pormal nang natapos ang dalawang araw na state visit ni Chinese President Xi Jinping.

Nitong Martes bandang alas-1:30 ng hapon ay lumisan na si Jinping matapos maglakad sa red carpet at iwagayway ang kamay na simbolo ng pagpapaalam ng Presidente.

Kasama sa send-off ceremony para sa Chinese President ay sina Finance Secretary Carlos Dominguez III, Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, at Armed Forces chief General Carlito Galvez Jr.

Sa pag-alis ni Xi, nagkaroon ito ng 29 kasunduan kay Pangulong Rodrigo Duterte, kasama na ang oil and gas development deal.

Nakipagkita rin ito kina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo bago umalis ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?