17

Jun 24, 2018 @ 19:56
By

Xhaka, Shaqiri nilait ang talunang Serbian

NAGLUNSAD ang FIFA ng disciplinary proceedings laban kina Granit Xhaka at Xherdan Shaqiri na nagbaon ng dalawang goals sa 2-1 win ng Switzerland kontra Serbia noong Biyernes sa 2018 World Cup sa Russia.

Kosovar Albanian ang dalawa, umalis ang mga pamilya sa noo’y Yugoslavia nang magkagulo ang mga ethnic Albanians at ethnic Serbs.
Naglalaro sila ngayon sa Switzerland, ang bansang tinakbuhan ng mga magulang.
Kasama sa selebrasyon ng goal nina Xhakat Shaqiri ang “Albanian eagle” – pinagbuhol ang hinlalaki ng magkabilang kamay, nakaunat ang iba pang daliri at kumakampay na parang pakpak ng agila.
Ginamit itong simbolo ng ethnic Albanians sa Kosovo para ipakita ang pagrerebelde sa Serbian/Yugoslav rule.
Natural, nagalit ang Serbs. Talo na, ininsulto pa.
Iprinotesta ng soccer federation ng Serbia ang gesture ng dalawa, isinama sa reklamo ang sapatos ni Shaqiri na may imahe ng Kosovo flag sa likod.
Dati nang pinayagan ng FIFA si Shaqiri na magamit ang sapatos, pero mahigpit na ipinagbabawal ng federation ang players “provoking the general public” sa pagse-celebrate.
Inilunsad ng FIFA ang imbestigasyon sa “double eagle” gesture.
Kapag napatunayang nilabag nina Shaqiri at Xhaka ang disciplinary code, posibleng masuspinde ang mga ito ng tigalawang laro. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?