40

By

Xander Lee gustong makasama ulit si Heart

Sharing is caring!

Nagbalik-tanaw ang Korean actor na si Alexander Lee noong nakaraang July 12 sa unang pagkakataon na makilala niya ang Kapuso actress na si Heart Evangelista noong mag-shoot sila ng ilang eksena ng teleserye na My Korean Jagiya sa Seoul.

Pinost ni Xander sa kanyang Instagram ang naging photoshoot nila ni Heart sa Seoul at doon na raw nagsimula ang kanyang pagkakaroon ng matatawag niyang pamil­ya sa Pilipinas.

“One year ago today, my MKJ journey began… Having much doubt n worries, I never imagined how much love I would receive from our audiences (including the overwhelming mall shows). Also, who would have thought that my MKJ family would become like my real family in the Philippines, diba? A small confession: I could remember how shy n awkward I was when I first met Heart, to the point that I couldn’t look straight at her eyes during the photo shoot. But now I could talk about anything n everything with GIA. Hahahahaha~ Oh, and not to forget, I was the hidden ‘watermelon’ n it was so tough to hide myself naku… Anyway! We need a reunion soon! Tara na!!! #Xander #Heart #HeartEvangelista #Junho #Gia #MyKoreanJagiya #firstday #photoshoot #behindthescene #Namsan #Seoul #Korea#MKJForever #Saranghaeyo #NowAndForever.”

Dumami nga raw ang naging fan ni Xander sa Pilipinas dahil isa sa top-rating primetime series ang My Korean Jagiya noong 2017.

Nandito sa bansa ngayon si Xander dahil pino-promote niya ang kanyang single na Keep Ya Head Up.

Bago raw sana bumalik sa Korea si Xander ay nais niyang maka-reunion ang buong cast ng My Korean Jagiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?