744

Jun 20, 2020 @ 17:10

Xander kakasuhan ni Tulfo

Matindi pa rin ang galit ng ex-girlfriend ni Xander Ford na si Ysah Cabrejas.

Balitang humingi siya ng tulong kay Raffy Tulfo para mabigyan ng katarungan ang umano’y pang-aabuso ni Ford.

Ayon sa paratang ni Ysah pinipilit umano siyang makipagtalik ni Xander kahit ayaw niya.

Sey naman ni Raffy maaaring kasuhan ang asawa, boyfriend o live-in partner ng rape pag pinilit ang misis na makipag-sex na labag sa kalooban niya at ayaw nito.

Tutulungan umano ni Raffy na makakuha ng medical certificate si Ysah para pormal na sampahan ng kaso si Ford. (RFC)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?