841

Apr 30, 2019 @ 19:54
By

Xander Ford sinermunan ng Star Image boss

Humingi ng paumanhin si Xander Ford o Marlou Arizala sa kaniyang boss sa Star Image Artist Management dahil sa pagiging pasaway na artista.

Dahil dito, hindi na siya sinuspinde at maaari na ulit magtrabaho pero hinubad na sa kaniya ang pangalang “Xander Ford”, na ibibigay na sa iba.

Kaya ngayon ay balik sa Marlou Arizala ang pangalan nito.

“Nalaman namin kung saan-saan ka pumupunta eh. Nakikita namin na nagmo-Mobile Legends ka… Wala ka naman kinikita sa Mobile Legends!” sermon ng boss ni Marlou.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?