318

Dec 14, 2017 @ 19:14

Xander Ford, Maxine Medina Google PH’s most-searched personalities

Nanguna sa listahan ng Google Philippines’ most-searched personalities sa male category ng 2017 si social media star Xander Ford, na dating Marlou Arizala.

Ayon sa Google Philippines, ang pagiging trending personality ni Xander ay dahil sa major transformation na ginawa nito sa kanyang sarili.

Tiis-pogi nga si Xander na maliban sa pagpapa-opera niya sa kanyang ilong at baba ay sumailalim din ito sa wrinkle removal, pagpapakapal ng kilay, eyelash extension, lip pigmentation, at dental implants.

Ayon sa mga report, umabot sa kalahating milyon ang kabuuang halaga ng makeover na ito ni Xander.

Nag-standout naman si Miss Universe-Philippines 2016 Maxine Medina sa Google Philippines’ most-searched female personalities.

Nakapasok sa Top 6 finalists si Maxine pero hindi pinalad na makoronahang Miss Universe.

Ang mga sumusunod ang kumpletong listahan ng Google Philippines’ most searched male at female personalities:

1. Xander Ford
2. Park Bo Gum
3. Park Hyung Sik
4. Gong Yoo
5. Linkin Park
6. Rowan Atkinson
7. Gilas Pilipinas
8. Jake Zyrus
9. Nam Joo Hyuk
10. Kim Joo Hyuk
***
1. Maxine Medina
2. Gal Gadot
3. Kylie Padilla
4. Kim Tae Hee
5. Maureen Wroblewitz
6. Lee Sung Kyung
7. BlackPink
8. Mariel de Leon
9. Dayanara Torres
10. Rachel Peters

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?