221

Oct 3, 2017 @ 7:00

Xander Ford, isasabong kina James, Daniel, Enrique

Ngayong guwapung-guwapo na si Marlou Arizala, ano naman kaya ang magiging chance niya sa showbiz, o lalo na sa ABS-CBN (Rated K) na naging daan sa kanyang mala-Adonis look ngayon?

Isasalang na rin ba siya sa isang love team ngayon? Kanino siya ipapareha?

In fairness, malakas ang dating ni Marlou bilang si Xander Ford ngayon na mukhang magpapataob sa mga kaguwapuhan nina James Reid, Daniel Padilla, Enrique Gil at iba pang teen idols ng Dos.

Ano kaya ang magiging peg niya this time lalo na at mas nakilala siya sa pagiging komedyante at dancer bilang si Marlou? With the popularity at tila na ini-enjoy ni Xander ngayon, this is a good marketing ploy, ika nga.

Will ABS-CBN strike while he’s hot? Abangan!!! (GLENN REGONDOLA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?