146

By

X factor! VanVleet pinuri sa Finals performance

Sigurado nang maaasahan sina Kawhi Leonard, Kyle Lowry at Pascal Siakam sa serye, ang mga main man ng Toronto Raptors.

Ngunit isang manlalaro ang dapat makatanggap ng parehong kredito dahil sa timely three-pointer nito at matinding depensa kay Golden State star Stephen Curry.

Si Fred VanVleet, third year guard ng Raptors, ay nagkaroon ng breakout ngayong season, tumaas ang average sa 11.0 points, 4.8 assists at 2.6 rebounds, at isa sa naging kasangkapan para makuha ng Raptors ang kanilang unang kampeonato.

Sa Game 6 ng serye, limang tres ang pinukol ni VanVleet, 22 points ang iniskor dagdag pa ang depensa kay Curry.

Saad tuloy ni sports analyst Mico Halili, isang legend si VanVleet sa Raptors.

Ilan pang sports personality ang pumuri sa naging Finals performance ng 24-year old guard.

https://twitter.com/ericvdunn/status/1139378876553891840

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?