46

Nov 24, 2021 @ 11:40
By

WWII bomba nahukay sa creek sa Maynila

Isang vintage bomb na pinaniniwalaang mula sa World War II ang nahukay ng mga manggagawang nagre-rehabilitate sa isang creek sa Maynila.

Nadiskubre ng Department of Public Works and Highways nitong Lunes, ang bomba habang naghuhukay ng daluyan ng tubig sa kahabaan ng Loreto at Sta. Teresita creek sa Sampaloc.

Isang John Rey Bragas ang nakakita sa bomba, sinubukan pa umano nitong hukayin ang bomba gamit ang claw machine, ngunit nang mapagtanto niya ang panganib nito, mabilis niya itong sinabi sa mga kasamahan at sa awtoridad.

Ayon sa Manila Police District-Police Station 4 na nakatanggap sila ng ulat bandang alas-11 ng umaga mula kay Bragas.

Samantala, ayon sa Explosive and Ordnance Division na pumunta sa site upang tukuyin ang bomba, isa itong vintage 105-millimeter projectile, na pinaniniwalaan nilang kaparehong uri ng bomba noong digmaan.

Kinuha ang bomba ng mga operatiba para sa proper disposal nito. (Sherrylou Nemis)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?