66

Mar 10, 2020 @ 20:00
By

WWE Hall of Famer Rikishi bibisita sa ‘Pinas

Masisilayan ng mga Pinoy wrestling fan ang WWE Hall of Famer na si Rikishi na pupunta sa Pilipinas.

Darating si Rikishi kasama ang isa pang wrestler na si Reno ‘Black Pearl’ Anoa’I para magsagawa ng mga wrestling clinic sa bansa.

Ang nasabing event ay para sa launching ng World Wrestling Asia, na organizer ay ang KnokX Pro at boxing promotion company na RED Boxing International.

Ang unang stop ng tour ay sa Punta Resto Bar sa Mandaluyong, March 18.

Samantala, magkakarron din ng ‘Road To The Philippines’ show sa Los Angeles California para ma-promote ang WWA tour sa Pilipinas sa Agosto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?