47
abante-tnt-vismin-wong
By

Wushu artist Wong, iba pa atras sa Asiad opening

JAKARTA — Pinigil ng pagod, abalang gawain at dahil sa pagpokus na sa kompetisyon, pinasya ng buong national wushu team na hindi na rumampa sa 18th Asian Games 2018 opening ceremonies ngayon sa Gelora Bung Karno Sports Complex sa kabiserang ito ng Indonesia.

“Pagod na ang mga athlete, tapos weigh-in at training pa bukas (Sabado) so hindi na sila makakasali sa opening ceremonies,” esplika ni national sanda (sparring) coach Jessie Aligaga, na lumapag Biyernes ng gabi rito tapos ang may tatlong oras na paglalakbay sa ere, kasabayan ang softball at fencing squads.

Ilan sa liban na sa parada sina 2014 Incheon AG silver medallist Daniel Parantac at 2017 Malaysia Southeast Asian Games taolu (forms) gold-silver winner Agatha Krystenzen Wong, na nagbabawas ng timbang upang makalaro rito.

Tinuran ni Aligaga si 2014 Asiad silver winner Jean Claude Saclag na hinabol ang 48-kilogram mula sa 52kg kaya nakasabak at nakamedalya sa nasabing kompetisyon.

“Katulad ni Jean Claude, gutom na gutom na yan just to make his fighting weight para sa weigh-in sa Sabado kaya di na siya makakadalo sa opening ceremonies,” hirit ni Aligaga.

Debutante sa AG si Wong, 21, na 2016 world junior champion sa taolu at ayos lang sa kanya ang hindi makadalao sa pambunmgad na seremonya.
“As long I can do my very best here and make my country proud I will be content,” aniya.

Hangad ng wushu na higitan ang 0-2-1 gold-silver-bronze na nakopo sa huling edisyon ng quadrennial multi-sport meet, na sa taong ito’y tampok ang 45 bansa magpapasiklaban sa loob ng 16 na araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?