299
sabong
Oct 27, 2019 @ 20:44
By

WSC vet Tamboong liyamado sa LGBA 8-Stag Derby finale

Malalaman ang top 10 winner ng “2019 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Breeder of Year” stag circuit ngayon sa Pasay City Cockpit.

Liyamado si World Slasher Cup veteran Ric Tamboong ng RTT sa LGBA 8-Stag Derby finale mamaya na mga handog ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Inagaw ni Tamboong ang liderato sa ‘Breeder’ race dahil sa 3-0 (panalo-talo) nitong Biyernes upang makaipon na ng kabuuang 14 puntos.

Dikit sa kanya sa 13 points sina Francis Guevarra ng JJ Airbender Migs, Ronald Barandino ng Jan. 10 Pasay 4-Cock RB Basilan at Ricky Magtuto ng Ahluck Camsur, habang may 12.5 pts. sina Rey Tolentino ng RMT GF 2 at partners Larry Wacnang at Glen Sombilon ng Isla Carabao Arena.

Naka-12 markers sina Jun Sevilla ng JRS San Pioquinto 2, Rep. JV Bernos ng RM Abra, Anthony Lim ng Lucban at Limuel Reyes ng RLJ Tymolox.

Naghihintay ang P1M cash at silver cup ng Sagupaan Agricultural Products, Inc. para sa grand winner habang ang runner ups ay may mga cash prize at trophy din.

Hangad din ng mga kalahok ang third leg championship sa pangunguna nina three pointer Biboy Enriquez, Tamboong, Wacnang, Lim at Magtuto.

Sunod naman ang ‘MAD Sa Pasay 5-Stag Derby’ sa PCC sa Nov. 4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?