64

WSC: King Arthur Spiderman ang solo kampeon

Sharing is caring!

MAKARAANG mahawi ang alikabok sa tindi ng labanan sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila ay nagtapos rin ang 2018 World Pitmasters Cup2 Fiesta Edition na bukod tanging may isang entry na lamang ang nakatayo.

Ang King Arthur Spiderman na entry ng JMW Gamefarm nina Jarold Go, Melvin Lim & William Chia at nailaban at nai-financed ni Art Atayde ay mayroong limang panalo patungo sa grand finals. Sa championship round nitong nakaraang Sabado ay ang unang laban nila na malapit na sa pagkatalo ay biglang nanalo pa sa isang matinding sikad sa kalaban.

Ang King Arthur Spiderman ay pumasok sa kanyang 9th win at pang-solo panalo sa Fight No. 62, pero natalo sa MG419 Boss Tose.

Iyon namang ibang entry na puwedeng pumantay o maki-sosyo sa kampeonato na Eman Goldline Spiderman (Atty. Eman Pichay/Jess Floro) ay natalo rin kung kaya’t naibigay ang solo kampeonato sa King Arthur Spiderman.

“Nagpasok kami ng two-and-a-half year olds kumbinasyon Hulsey Greys, Roundheads at Kelsos” sabi ni Mel Lim.

Hosts sina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, sa pag-asiste nina Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world class na event na ito ay todo suporta ng gold sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan.

Ang mga runner-ups na may 7.5 points ay sina Alqueen Aj 22 Ahluck Camsur Blackrooster (Ricky Magtuto/Rey Tambong), “Kaliwete” Ponciano (Nene Abello/Raffy Zaide), BoyJ/Jed (Boy Jimenez Jr.) and CPB Hawaii 1 (Gov. Claude Bautista).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?