38
sabong

WSC 2: Second round ngayon

Sharing is caring!

IKALAWANG round ng “2018 World Slasher Cup Invitational 9-Cock Derby 2” ang sisiyapol sa Smart Araneta Coliseum ngayon, Lunes, Mayo 7.

May 70 sultada sa opening round kahapon sa paderbing hatid ngExcellence Poultry and Livestock Specialists at Pit Game Media Inc. ni Manny Berbano. Host ang Pintakasi of Champions.

Tampok ngayon ang 2 –cock elims at ang mga qualifiers ay lalaban sa3 –cock semifinals sa May 8 at 9.

Pahinga ang mga kalahok sa Mayo 10 bago sumabak sa Mayo 11 (4 –cock finals ng 2 hanggang 3.5 points) at May 12 (4-cock finals ng 4 hanggang 5 points).

Ilan sa kasali kahapon: Biboy Enriquez, Frank Berin, Felix Gatchalian, Jimmy Junsay, Patrick Puno, Patrick Antonio, Dante Eslabon, Escolin Brothers, Rey Briones, Anthony Lim,Nestor Vendivil, Rikki Reyes, James Uy, Art de Castro, Claude Bautista at Hermie Capuchino.

Kumasa rin sina Charles Berry ng Louisiana, Roger Nook ng Vietnam, Janson Lee ng Oklahoma, Steven Symms ng Missisipi, Carlos Camacho ng Guam at Jorge Goitia ng California.

Para sa patron at box tickets, bisitahin ang Ticketnet box office sa Araneta Coliseum Circle (Yellow Gate) or call 911-5555.

Sundan ang WSC official website sa www.worldslashercup.ph, o official Facebook page sa @WorldSlasherCupOfficial.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?