109

Sep 22, 2019 @ 19:50

Wright tama para sa ROS, tinakasan ang Magnolia

KLIK ang unang laro para sa Rain or Shine ni import Joel Wright sa pagbabalik-Philippine Basketball Association tapos unang masilayan sa Star Margarine(Magnolia Pambansang Manok na ngayon) tatlong taon na ang nakalilipas.

Bumrotsa ang 29-year-old, 6-foot-5, Brooklyn, New York native ng 30 points, 10 rebounds, 3 assists, 2 blocks at 1 steal sa halos 32-minute job upang bisigin ang pagpapatirik ng RoS sa Columbian, 96-90, sa Governors’ Cup eliminations Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

May krusyal na ayuda si Rey Nambatac na 17 markers, tigta-3 boards, feeds at steals para tanghaling best player of the game at makisalo ang Elasto Painters sa biktimang Dyip sa fourth spot sa 1-1.

Pumuntos pa ng tig-10 para sa RoS sina Ping Exciminiano at Jayvee Mocon para makabawi ang ang mga magpipintura sa 99-94 loss sa NorthPort nitong Biyernes, pinigilan ang Dyip na masundan ang 117-110 win sa Alaska Milk sa parehas na araw.

Siyam ang malaking nilamang ng E-Painters samantalang pito ang Dyip sa laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?