61

Sep 24, 2019 @ 8:52
By

Wright, RoS tamang timpla

Mr. Right na nga ba si Joel Wright sa Rain or Shine?

Siyam na sunod na puntos ang kinamada ni Wright sa stretch at nasalag ng Elasto Painters ang rally ng Columbian tungo sa 96-90 win Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nilista ni Wright ang 10 sa kanyang game-high 30 points sa final 12 minutes para ihatid ang RoS sa even 1-1 card sa PBA Governors Cup.

Nagdagdag pa siya ng 10 rebounds, 2 assists, 1 steal at 2 blocks kontra 1 turnover lang sa 31-minute job.

Nagdagdag ng 17 points si Rey Nambatac, may tig-10 sina newcomer Chris Exciminiano at Javee Mocon na nagbaba pa ng 8 boards.

Sa kabila ng 5 fouls, may double-double pa rin na 23 points, 15 rebounds si Khapri Alston sa Dyip. Namigay din siya ng 5 assists, pero nakalista sa pangalan ang 6 sa 29 turnovers ng Dyip.

Nalimitahan ng Painters ang miscues sa 15, nangolekta pa ng 31 points mula sa errors ng kalaban.

Nawalan din ng saysay ang 22 points, 10 rebounds, 4 assists ni CJ Perez sa Columbian.

Naupo sa kabuuan ng third si Wright dahil sa maagang foul trouble, pero pagdating ng crunch ay nag-take charge at nagsimulang umatake sa basket.

Itinabla ng drive niya ang iskor sa huling pagkakataon sa 89, sinundan ng isa pang panlamang. Nang mawala ang bola kay Perez sa sumunod na posesyon ng Dyip, sinelyuhan ng free throw ni Wright ang panalo 94-90, 8 seconds na lang.

Kailangan lang alagaan ng Painters import ang kanyang fouls.

“He has to learn how to preserve his fouls. It’s been two games he’s been fouling. He has to learn how to control his emotions,” ani coach Caloy Garcia. “He’s a good import, but we need him to play longer minutes. We actually played good when he wasn’t on the court, but mahirap talaga maglaro kung wala kang import.”

Aminado si Wright na kailangan niyang kontrolin ang emosyon, ‘di maiwasang sumundot kaya nakakakuha ng ‘stupid fouls’.

“I’m a big emotion guy. I just gotta calm down a little bit,” aniya.”I gotta stop putting my hands in there … control my emotion and control the fouls.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?