23

By

Wright, Perkins alat: Phoenix namemeligro

Delikado ang lagay ng Phoenix, maaaring mahatak nang magbakasyon matapos ang manipis na 87-85 loss sa NLEX nitong Biyernes.

Sa pangatlong sunod na talo, balagbag sa 4-7 ang Fuel Masters, nalaglag sa ninth place ng PBA Commissioner’s Cup at aasang sasapat ang nakolektang ‘W’ para humirit kahit playoff sa last slot sa quarterfinals.

Ang mga magbubuhol sa No. 8 ay dadaan sa knockout game.

Masama ang shooting nina Matthew Wright at Jason Perkins, binabagabag ng nananakit na kanang tuhod si Richard Howell at pinigil pa ng maagang foul trouble, pero hindi basta bumigay ang Phoenix.

Tumapos si Wright ng 16 points pero 3 of 15 lang mula sa field, isa lang sa walong tira ang naipasok ni Perkins. Nanguna ang 20 points ni RJ Jazul sa Phoenix, may 13 si Alex Mallari at tig-11 sina Justin Chua at Howell na may 8 rebounds din.

Tatlong fouls na agad si Howell sa opening period lang, nasungkit ang pang-apat 1:18 pa sa second. Halos 20 seconds pa lang sa second half, napituhan siya ng panlima.

Bumalik si Howell sa fourth quarter, sa huling jumper ay nailapit ang Phoenix 83-75. Sinundan ng 3s nina Wright at RJ Jazul, nakapanindak pa sila sa 86-85, 6.2 seconds na lang.

Binigyan ng Fuel Masters ng intentional foul si Olu Ashaolu, sablay ang dalawang free throws pero dinamba ni Jericho Cruz ang rebound, na-foul at pinasok ang isang charity. Malayo na sa target ang huling bato ni Wright.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?