39

Sep 13, 2020 @ 18:09
By

Wright kay Kiefer: ‘Pag nakita kita sa locker room, sisipain kita!

Ngayong wala pang aksyon sa PBA, sa social media muna tinutuloy ng mga basketball star ang asaran sa isa’t isa.

‘Yan ang ginawa ni Phoenix Super LPG shooter Matthew Wright matapos mabasa ang isang tweet ni NLEX guard Kiefer Ravena.

Nag-react kasi si Kiefer sa naging eksena sa NBA nang biglang pumasok si Boston Celtics forward Jayson Tatum sa locker room ng Toronto Raptors para balaan ang mga ito sa kanilang Game 7 clash.

Biro ni Wright, kung si Kiefer umano ang makita niya sa kanilang locker room ay kanya agad itong sisipain palabas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?