Wright, Chan nagliyab sa panalo Phoenix vs NLEX 102-95

Sharing is caring!

Anim na gunners ng Phoenix Fuel Masters ang nagtala ng double figures para maitakas ang panalo kontra NLEX, 102-95, sa pagpapatuloy ng Philippine Cup kanina sa Smart-Araneta Coliseum.

Nakuha ng Phoenix ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos simulan ang season sa talo.

Naposasan din ng Fuel Master ang dalawang key guards ng Road Warriors na sina Kiefer Ravena at Kevin Alas na nakaiskor lamang walo at anim na puntos lamang.

Nagtala ng 19 points si Matthew Wright, 4 dito ay sa rainbow territory habang may 18 points naman si Jeff Chan para sa kanilang panalo kontra NLEX na nakamit ang kanilang unang tatlo sa tatlong laro.

Scores:

PHOENIX 102 – Wright 19, Chan 18, Jazul 15, Perkins 14, Chua 12, Kramer 10, Revilla 6, Wilson 2, Intal 2, Dehesa 2, Eriobu 2, Alolino 0

NLEX 95 – Fonacier 22, Tiongson 12, Miranda 10, Quiñahan 10, Al-Hussaini 8, Ravena 8, Taulava 6, Alas 6, Baguio 4, Gotladera 3, Ighalo 3, Buenafe 3

Quarterscores: 19-25, 54-53, 88-73, 102-95

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?