100

Jul 15, 2021 @ 10:38
By

Wrecker pro player na! RSG PH binunyag na roster

Nilabas na ng Resurgence PH ang kanilang lineup para sa kanilang unang sabak sa MPL Philippines.

Sa Facebook post ng Singapore-based organization, kapansin-pansin ang ilang bagong mukha na hindi pa nakakatungtong sa pro scene.

Kasama na rito ang ilang mahuhusay sa underground scene tulad nina John Cedrix ‘Demonkite’ Caranto, Nathanael ‘Nathzz’ Estrologo, at Eman ‘EMANN’ Sangco.

Bukod pa rito’y isa ring sikat na content creator ang pasok sa RSG sa katauhan ni Elyson ‘Wrecker’ Caranza, na kilala sa kanyang mga 1 vs 1 at trash talk content.

Sasamahan sila ng mga beteranong sina Kenneth Jiane ‘Kenji’ Villa at Earvin ‘Heath’ Esperanza, na kapwa nanggaling sa Smart Omega.

Pasok din sa team sina Christian ‘Iy4knu’ Manaog,  Arvie ‘Aqua’ Calderon at Dexter ‘Exort’ Martinez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?