73
west-philippine-sea
Mar 16, 2019 @ 16:59
By

WPS victory day sa Hulyo 12

Inendorso para sa plenary approval ng House Committee on Revision of Laws ang isang bill na naglalayong ideklara ang ika-12 ng Hulyo kada taon bilang ‘West Philippine Sea Victory Day’.

Ang araw na ito ay nais gawing pagdiriwang upang gunitain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa pagpabor nito sa Pilipinas sa West Philippine Sea maritime dispute.

Sa ilalim ng Committe Report 1152, ninanais ng panel na hingin ang pinal na aproba ng House Bill 8966 kung saan idedeklara ang Hulyo 12 kada taon bilang special working holiday sa buong Pilipinas.

Layunin nitong mabigyang inspirasyon at maibahagi sa mga Pilipino ang ‘patrimonial pride’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?