28

Jun 23, 2022 @ 14:56
By

WPS pagtuunan ng mas maraming pansin– incoming NICA chief

Binigyan-diin ni incoming National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Ricardo de Leon ang pagbibigay ng mas maraming pansin sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang panayam sa telebisyon ngayong Huwebes, natanong si de Leon kaugnay ng mga panukala na dagdagan ang ginugugol ng gobyerno para sa pagkuha ng impormasyon kung ano ang nangyayari sa WPS at maiwasan ang pagkagulat ng gobyerno sa pagdagsa ng mga sasakyan ng China sa lugar.

“I really agree that we have to give also focus on the West Philippine Sea kasi any development with our neighbor especially in that area would certainly affect domestic security,” sabi ni de Leon.

Ayon kay de Leon, ang mga nangyayari sa labas ng bansa ay maaari ring makaapekto sa Pilipinas kaya dapat din itong bantayan.

“We cannot just isolate ourselves and say bahala na diyan sa ano. That’s the reason why when I assume…. we mainstream domestic security so that we can take care of our own homeland and at the same time may outward looking tayo naman,” sabi pa ng papasok na NICA chief.

Kumpiyansa rin si de Leon na ipagpapatuloy ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na makatutulong sa pagkuha ng mga kinakailangang impormasyon.“I am certain that our President-elect Bongbong Marcos will sustain all of these efforts (AFP modernization) and looking at our own yung national interest nga natin as a priority,” dagdag pa ni de Leon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?