122

Feb 6, 2020 @ 18:58
By

WPC 10-cockfest: Cañedo kampeon

Naibagahe ni RC Warriors breeder Rey Cañedo ang solong kampeonato sa 1st World Pitmasters Cup 220K Pot 10-Cock Big Event.

Umiskor siya ng 7.5 points sa 5-cock elimination round at 5-cock Finals, naungusan ang 36 na iba pang kalaban para masungkit ang Big Event trophy at maiuwi ang malaking bahagi ng ng P7.4M total cash prize nitong Pebrero 4 sa Newport Performing Arts Theater -Resorts World Manila sa Pasay.

Samantala, tuloy na ang apat na semifinal rounds ng January 2020 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby.

Binitawan na ang may apat na araw na 3-cock semis nitong Pebrero 5 kung saan may 74 entries ang may 2 points, 30 entries ang may 1.5 points at 158 entries ang may 1 point. Magtatapat-tapat ang mga ito pa-grand Finals sa Peb. 12.

Kailangan ng apat na puntos ng sinuman sa finals para maghari sa January 2020 WPC, isang record-breaking 376 entries na may P30.08M total pot, at mga suportado ng RWM, Thunderbird, Thor MP Wash, Excellence Poultry and Livestock Specialist, VNJ Distributors, Rusi Motorcycles, King Slasher at Experto Gamefowl Products.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?