21
caroline-wozniacki
Mar 25, 2018 @ 14:37
By

Wozniacki, biktima ng ‘verbal abuse’ sa Miami

Inihayag ng kasalukuyang Australian Open champion Caroline Wozniacki na naging target siya at ang kanyang pamilya ng verbal abuse ng mga nanood sa pagbubukas ng Miami Open kung saan natalo siya kay Monica Puig.

Sa kanyang Twitter post, inakusahan nito ang pamunuan ng torneyo na walang ginawa para pigilan ang pag-atake sa kanila.

Sagot naman ni tournament director James Blake, wala namang silang nakitang anumang pagbabanta kay Wozniacki kasunod nang kanyang pagkatalo pay Puig, 0-6, 6-4, 6-4 Friday.

“I lost a tough match to a great opponent and friend Monica Puig,” sabi ni Wozniacki.

“I am fully aware that tennis is a game of wins and losses. However, during the match last night people in the crowd threatened my family, wished death threats on my mom and dad, called me names that I can’t repeat here and told my fiance’s niece and nephew (who are 10 years old) to sit down and shut … up, meanwhile security and staff did nothing to prevent this and even accepted this to take place.”

Si Puig ay taga Puerto Rico at sikat sa South Florida habang si Wozniacki ay mula sa Denmark.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?