127
Wow mali! Duterte tinawag na ‘Jinggoy’ si JV Ejercito
Feb 25, 2019 @ 20:16
By

Wow mali! Duterte tinawag na ‘Jinggoy’ si JV Ejercito

Namali si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtawag na “Jinggoy” kay Senador JV Ejercito.

“Si Sen. Jinggoy. Ay Jinggoy. JV na lang. Jinggoy, nadadamay pa ako doon sa ano. JV Ejercito,” saad ng Pangulo sa pangangampanya ng PDP-Laban sa harap ng mga tao na nasa Alonte Arena sa Biñan, Laguna.

Agad namang sinalag ito ng Pangulo at sinabing biro lang umano ito.

Si Ejercito ay kabilang sa mga kandidato ng PDP-Laban habang inilaglag naman nito si Estrada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?