Nakuha na ni Abante Sportalakan host na si Sarah Jireh Asido ang pinakamagandang Christmas gift na dumating sa kanyang buhay.
Sa Instagram post ng volleyball star na si Sue Roces, kinumpirma nito na sinagot na siya ng ‘Quuen Basketbolera’ ng Abante.
“Finally! Worth the wait! I love you @sarahcruzasido,” ayon sa caption ng Perlas Spiker hitter.
Sa comment ni Roces, sinabi na dalawang buwan siyang nanligaw sa magandang host, na naging pambato ng ‘Pinas sa Ms. United Continents noong 2018.
Napuno din ng matatamis na larawan ng couple ang IG feed ni Sue noong magtungo sila sa Tagaytay.
Noong isang linggo ay nagpatikim na si Sue sa kanyang panliligaw kay Sarah noong mag-post ito ng kanilang larawan na may caption na, “Wag ka mag-alala makukuha din kita!”
Isa sa nagpaabot ng pagbati para sa dalawa ay si Cignal HD Spiker Wendel Miguel.
“China oil! Happy for you both,” sambit ni Miguel.


