inc-2
By

‘Worldwide walk for poverty’ ng INC, nagdulot ng matinding trapik

Sharing is caring!

Tumindi ang trapik sa ilang mga pangunahing lansangan sa Maynila dahil sa isinasagawang ‘Worldwide Walk to Fight Poverty ng Iglesia ni Cristo.

Ilan sa mga lugar na hirap daanan ng sasakayan ay ang Roxas Boulevard, Aurora Boulevard, Taft Avenue, Finance Avenue, United Nations Avenue, Kalaw Avenue at Quirino Avenue.

Samantala, patuloy pa rin ang pagdagsag ng miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Roxas Boulevard sa Lungsod ng Maynila para makilahok sa kanilang aktibidad.

Ayon sa ulat ni Manila Police District Spokesman, Police Supt. Erwin Margarejo, aabot na sa 900,000 ang kasalukuyang lumalahok sa pagtitipon nitong alas-9:00 ng umaga.

Aabot naman sa 700 police personnel mula sa Southern Police District ang katuwang ng MPD sa pagbabantay sa seguridad sa aktibidad.

Inabisuhan naman ng mga awtoridad ang mga motorista na sarado ang kahabaan ng Roxas Boulevard mula sa P. Burgos Street hanggang Gil Puyat Avenue para bigyan-daan ang event na nagsimula sabado pa ng gabi.

Ginamit din ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority para magbigay-ayuda sa lumulubong bilang ng mga tao.

Tatagal ang aktibidad hanggang mamayang gabi ng Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?