77

Jun 28, 2022 @ 16:32
By

‘World’s Ugliest Dog’ pinarangalan sa US

Tinaguriang World’s Ugliest Dog sa isang ‘pageant’ sa US ang isang 17-anyos na aso na ang breed ay pinaghalong Chinese crested at chihuahua.

Ayon sa ulat, ang aso ay kinilala bilang si Mr. Happy Face.

Dinaan sa contest na World’s Ugliest Dog Contest sa California ang paraan upang makilala ang pinakapangit na aso sa mundo.

Gayunman, hindi layunin ng contest na laitin ang mga aso, kundi upang ipalaganap ang kaalaman na kahit ang mga aso na tinuturing na pangit ay maaari pa ring ampunin at alagaan.

Si Mr. Happy Face ay inampon ni Janeda Banelly mula sa Arizona. Inalagaan ni Banelly ang aso sa kabila ng edad nito at ilang karamdaman.

“I believe that this humble soul is also being an example, in subtle ways, to help humans realize that even old dogs need love and a family too,” saad ni Banelly.

“He was the happiest creature that I had ever met,” dagdag pa niya. “He hobbled up to me and chose me. I vowed that day, he would be so loved that he would never remember how awful his previous life had been.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?