123

Feb 9, 2019 @ 14:12
By

World’s richest man, fan ng sexting

Inamin ng CEO ng Amazon na si Jeff Bezos na tulad din siya ng ibang Amerikano o kalalakihan na mahilig “makipaglampungan” sa text at nagse-send ng hubad niyang larawan o ng kanyang ari sa nagugustuhan niyang babae.

Isiniwalat na ito ng world’s richest man at founder ng Amazon dahil sa tila pamba-blackmail at pangingikil sa kanya ng American Media Inc., AMI, na publisher ng National Enquirer.

Nakakuha kasi ang AMI ng mga intimate photo at messages na naipadala noon ni Bezos kay Lauren Sanchez, na rumored girlfriend niya ngayon.

Sa report ng online website na Medium, sinabi ni Bezos na gusto umano ng AMI na itanggi niya publicly na may alam siya sa political dealings ng publisher nito para hindi nila isapubliko ang anumang “sexting” ng una.

Taong 2018 nang aminin ng AMI sa federal authorities na nagbayad sila ng mga babae “on behalf” ng presidential candidate noon na si Donald Trump at ang tsismis na may kinalaman din ang kumpanya sa kampanya ni Trump at sa Saudi royal family.

Noong nakaraang buwan nang ianunsiyo ni Bezos na hiwalay na sila ng kanyang asawa na si MacKenzie at magdi-divorce na sila matapos ang 25 na taon ng pagiging mag-asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?