8

Oct 1, 2020 @ 23:08
By

World Taekwondo VP ‘di umabot sa pulong

Ilang araw na lang bago isagawa ang unang virtual general assembly meeting ng World Taekwondo (WT), pero hindi na umabot na madaluhan ito ng vice-president na si Ahmed Fouly ng Egypt na pumanaw sa edad na 70.

Siya’y natake sa puso sa nakaraang buwan matapus sumailalim sa surgery at inihayag ng WT na simula noon lumala na ang naging kundisyon ng opisyal hanggang sa bawian ng buhay.

“His condition had since very sadly deteriorated,” ani World Taekwondo President Chungwon Choue ng Korea bago nagbigay tribute sa Egyptian, na naging pinuno rin ng World Taekwondo Africa sapul noong 2004.

Halos patapos na ang paghahanda para sa virtual General Assembly ng asosasyon sa Oktubre 6, kung saan susundin ng governing body ang protocol dahil sa situwasyon sa Covid-19.

Orihinal na isasagawa sa Sofia sa Bulgaria sa Oktubre 13 kasabay ng World Taekwondo Junior Championships ang asembliya, pero ginawag online na lang dahil sa pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?