22

Oct 29, 2017 @ 14:11

World Series: Dodgers tumabla na sa Astros

Humataw ng three-run homerun sa ninth inning si Joc Pederson para tulungan ang Los Angeles Dogers na makuha ang pahirapang 6-2 panalo laban sa Houston at mai-level ang World Series sa 2-2.

Tabla ang dalawang kaponan 1-1 bago ang pinal na inning nang gumawa ng ingay si Cody Belinger sa kanyang run-scoring single bago ang sacrifice fly nina Austin Barnes na para sa isa na namang run.

Kasunod noon ay ang home rni PEderson sa right filed para ibigay sa Dodgers ang five-run lead at patahimikin ang home crowd.

Kumana ng homerun si ALex Bregman ng Astros sa 9th inning subalit huli dahil sa apat na kalamangan ng kanilang katunggali.

Iyon ang unang pagkatalo ng Houston sa kanilang postseason ngayong taon.

Nakatakda ang Game 5 sa Linggo (Lunes sa Pilipinas) sa Houston.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?