91
zumba
May 21, 2018 @ 12:46

World record sa Zumba class, nadagit ng CamSur

Nabasag ng lalawigan ng Camarines Sur ang rekord ng Mandaluyong City noong 2015 na 12,975 partisipante sa isang Zumba dance.

Mula sa 35 munisipalidad ng CamSur, nasa 13,350 mananayaw ang sumali sa pagsasayaw ng Zumba noong Sabado.

Bahagi ito ng selebrasyon ng lalawigan ng “Kaogma Festival” at ika-439 Foundation Day nila.

Matapos ang kalahating oras na indakan, idineklara ang dancers ng CamSur na “largest Zumba class in the world” ni Guinness judge Peter James Fairbairn.

Maliban dito, nakapagtala na rin ng record sa Guinness World Records ang CamSur bilang pinakamaraming naitanim na puno sa loob ng 15-minuto noong 2011 at 1 milyong naitanim na mangroves sa loob lang ng isang oras noong 2012.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?