141

Jul 15, 2019 @ 21:26
By

World record? Lalaki 5 araw naupo sa kubeta

Limang araw na hindi umalis sa pagkakaupo niya sa toilet ang isang 48-anyos na lalaki para makapagtakda ng world record.

Hinamon ng Belgian man na si Belgian Jimmy De Frenne ang kanyang sarili na maupo ng 165 oras sa customized toilet sa nasa gitna ng isang bar.

Pinapayagan naman siyang makatulog ng limang minuto kada oras pero makalipas ang 116 na oras, umayaw na siya.

Sobra umano siyang napagod at sumakit din ang kanyang mga hita.

Samantala, wala pang balita kung nagbunga ang kanyang pagtitiyaga bilang record sa Guinness World Records para sa tagal ng pag-upo sa toilet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?