64

World Pitmasters Cup sisiyapol ulit

Kasunod ng record breaking 529 entry at tumataginting na P42.3 million cash prize sa September edition ng World Pitmasters Cup (WPC) 9-Stag International Derby, isa na namang banner field ng higit 330 entry ang inaasahang lalahok sa November 2019 WPC simula Linggo sa unang 2-Stag Elimination round.

Back-to-back Pitmaster trophy ang tangka ng Senyorita Bulljack DMCA entry nina Jepoy, Bulljack at breeder Allan Vicencio, na nag-solo champion sa katatapos lang na September 2019 World Pitmasters Cup.

Magtatagpo ulit sa ruweda sina World Pitmasters Cup promoter Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Ako Bisaya Party-List Rep. Sonny Lagon, RJ Mea at Agusan del Sur Rep. Eddiebong Plaza, maging ang iba pang mga bigating pangalan sa cockfighting industry, sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Ang November 2019 WPC 9-Stag International Derby ay magsasagawa ng apat na sunod na 2-Stag elimination rounds mula November 10-13 (Sets A-D).

Pagkatapos ng pahinga sa November 14, susundan ito ng one-day, 220 k Pot Money 7-Stag Big Event sa November 15.

Ang mga qualifier ay naka-iskedyul sa 3-Stag Semi-Final rounds sa November 17 para sa Set A, November 18 sa Set B, November 19 sa Set C at November 20 sa Set D.

Pahinga ulit ng November 21, tapos ay harabas na ang 4-Stag Pre-Final round sa November 22.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?