10

Oct 9, 2020 @ 16:36
By

World Peace: LeBron mas magaling pa sa alien!

Para kay dating NBA All-Star Metta World Peace, ‘out of this world’ na ang husay ni LeBron James pagdating sa basketball.

Sa buradong tweet ng dating NBA journeyman, giniit nito na si ‘King James’ ang tinuturing niyang ‘greatest of all time’ ng NBA, at aniya’y mas magaling pa siguro ang Lakers superstar sa mga alien.

“@KingJames is the goat. Never thought I would say that over my brother 24 and my favorite mj. I was an Allstar in mj Jersey 23. I changed my number for one season to honor a legend. But the King is the greatest athlete to ever touch this galaxy. Better than the aliens too,” ayon kay World Peace.

Pinatungkulan niya sa kanyang tweet sina Michael Jordan at Kobe Bryant, na pareho nitong nakasabayan bago mawala sa liga noong 2017.

Naging rookie si Artest noong 1999 sa Chicago Bulls, taon kung kailan nagpasyang magretiro si Jordan sa paglalaro. Hindi man naging magkakampi ay nagkaroon ng engkwentro si World Peace at ‘His Airness’ sa isang scrimmage.

Samantala, naging magkasangga naman si World Peace at Kobe sa Lakers, kung saan nakuha niya ang kanyang nag-iisang NBA championship noong 2010.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?