45

By ,

World no. 2 ‘di lalaro sa Serbia, PH ayaw pakampante

BAGAMAN hindi kumpletong lalaban ang Liman ng Serbia kasabay ng pagkawala ni Stefan Stojacic, hindi pa rin aniya dapat magdiwang ang Pasig Chooks.

Hindi makakapaglaro ang World no. 2 ranked na si Stojacic sa Liman sa darating na 2019 FIBA 3×3 World Tour Masters sa Doha, Qatar.

Magiging malaking kawalan para sa Liman ang pagkawala ni Stojacic pero isang malaking banta pa rin para sa mga Pinoy ang tatlo nitong manlalaro na sina Aleksandar Ratkov, Mihailo Vasic, at Stefan Kojic na kamakailan ay nag-third place sa Wuxi Challenger.

“It will be a big difference and a big loss to them because he’s the player that makes the team better,” wika ni Pasig import Nikola Pavlovic.

Makakaharap ng Pasig Chooks ang Liman, madaling-araw ng Biyernes (oras sa Pilipinas) bandang 12:25 AM matapos ang unang laban nito kontra sa host team na Katara, Huwebes ng gabi sa ganap na 10:50 PM (oras sa Pilipinas).

Umaasa naman si Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 commissioner Eric Altamirano na maraming Pinoy ang manunuod at susuportahan ang kanilang kampanya sa torneo.

“We have to steal one game. Everyone knows that Liman is one of the top teams in the world. Katara is also the home team that is why we are hoping that the Filipinos in Doha will come out to support us,” sabi ni Altamirano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?