73

Jan 18, 2019 @ 17:54
By

World leaders pabor sa drug war ni Duterte – Sotto

Pabor umano ang karamihan ng mga lider ng iba’t ibang bansa sa giyera laban sa droga na ipinatutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Senate President Tito Sotto kasunod ng pahayag ng bumisitang Pangulo ng Sri Lanka na tutularan niya ang ginawa ng Pangulo.

“Most world leaders agree with our President. Illegal drugs is the scourge of mankind and those against fighting it are those that benefit from it,” sabi ni Sotto.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Sri Lankan President Maithripala Sirisena na halimbawa para sa kaniya at sa buong mundo ang giyera ni Duterte laban sa krimen at droga.

Noong Hulyo 2018, sinabi ni Sirisena na uumpisahan na niyang ipabitay ang mga sangkot sa droga sa kaniyang bansa at tutularan ang tagumpay ng drug war ng Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?