111

World leaders napanganga sa husay nina Lani, Jed, Darren

Sharing is caring!

Bravo, Philippines, world-class ka talaga! Isa lamang ito sa libu-libong reaksiyon ng netizens sa grand production number sa Gala Night ng ASEAN 2017.

Talaga namang mapapa-OMG ka sa ipinakitang talento ng ating Pinoy artists hindi lamang sa larangan ng pagkanta, kundi maging sa larangan ng pagsayaw ng hip hop, ballet, tap dance, folk dance pati na rin ang pagtugtog ng banda, violin, ukulele at kung anu-ano pa.

Nakanganga talaga ang world leaders lalong-lalo na si US President Donald Trump na talagang itinaas pa ang kamay at tumayo in jubilance sa kanyang nasaksihan. Kilala pa naman si Mr. US President bilang very appreciative ng arts, beauty and culture dahil ilang taon din nitong hinawakan ang franchise ng Miss Universe, devah?

Umalingawngaw ang nakakalokang boses ni Lani Misalucha na talaga namang ‘ipinagyabang’ sa mundo ang kakaibang range ng kanyang boses – be it pop, opera o standard. Siyempre, ‘di rin nagpahuli ang high-pitched na si Jed Madela pati na rin mga biriterang sina Jona, Elha Nympha, at maging si Darren Espanto kasama ang iba pa nating world-class singers.

Goosebumps kung goosebumps ang naramdaman ng netizens na umaani na ng libong shares at views ang live recorded video nito sa social media. Naku, ang iba sigurong world leaders lalo na yung galing sa mayayamang bansa ay natutulala na lang sa akala nilang Third World country maging sa talents, noh!

Excuse me, huh!

Sa totoo lang, maging ang mga afam na pinanood ang video ay talaga namang saludo sa ating bansa. Meron pa ngang nagsabi na dapat daw ay napanood ito ni Simon Cowell na kilalang ‘masyoray’ pagdating sa paghuhusga ng mga singers sa mga singing competitions.

Pero, sa totoo lang, ang isa sa popular demand ng mga utaw na sana raw ay nag-perform para kumpleto na ang pagpapaandar ng ating bansa ay ang Miss Saigon na si Lea Salonga. Meron ding nagtanong kung bakit wala sina Martin Nievera, Gary Valenciano at Sarah Geronimo.

Ayon naman sa iba, okey na yung nakita nila dahil kung nandun pa ang isa, aba, parang show na lang daw ng ASAP ang nangyari. Marami pa naman tayong ibang untapped talents na dapat ding ma-recognize.

Ang importante, naipamalas natin sa buong mundo na hindi tayo pipitsuging bansa, na napatunayan naman natin io sa iba’t ibang larangan. ‘Yun nga lang, iba talaga kung ang audience ko ay ang mga kapita-pitagang world leaders.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?