By

World leaders dadalo sa East Asia Summit mamaya

Sharing is caring!

Inaasahan ang pagdalo ng mga makapangyarihang pinuno sa mundo sa gagawing Twelfth East Asia Summit ngayong araw na ito sa Philippine International Convention Center sa CCP Complex.

Ang East Asia Summit na binubuo ng sampung bansang kasapi ng ASEAN at walong iba pang bansa kabilang na ang Australia, China, India, Japan, New Zealand, South Korea at Estados Unidos ay idinaraos tuwing pagkatapos ng ASEAN Summit.

Kasama sa mga malalaking pinuno na dadalo sa pagpupulong ay sina US President Donald Trump, Chinese Premier Li Keqiang, Russian Prime Minister Dmitry Medvedev, Japanese Prime Minister Shinzo Abe, at Indian Prime Minister Narendra.

May mga pinuno rin na bagamat hindi myembro ng East Asia Summit ay inimbitahang dumalo sa mahalagang pagpupulong.

Sinasabing kasama sa guest invitee ay sina European Union President Donald Tusk, Canadian Prime Minister Justin Trudeau at United Nations Secretary General Antonio Guterres.

Tatalakayin sa pagpupulong ang mga isyu na may kinalaman sa pandaigdigang kalakalan at seguridad.

Inaasahan ding mapag-uusapan ng mga pinuno ang ilang mga panukalang deklarasyon kasama na ang mga sumusunod:

– EAS’ Declaration on Anti-Money Laundering and Countering Financing of Terrorism na iminungkahi ng Australia;

– EAST Declaration on Preventing and Countering the Spread of Terrorist ideology na imungkahi ng Russia;

– EAS Leaders’ Statement on the Chemical Weapons na ipinanukala ng Estados Unidos;

– EAS Statement on Cooperation in Poverty Alleviation na iminungkahi ng China;

Sa idinaos na pulong ng mga foreign minister mula sa mga bansang kasapi ng East Asia na idinaos sa Pilipinas noong Agosto, kasama sa mga tinalakay ang isyu ng terorismo at negosasyon kaugnay ng pagbalangkas sa Code of Conduct in the South China Sea. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?