WORLD CUP: Russian dinurog ang Saudi Arabia

Sharing is caring!

Mahigit 16 na taon bago nakatikim ng panalo sa World Cup ang Russia matapos walisin ang Saudi Arabia 5-0 nitong Huwebes sa Group A.

Iyon ang uang ang panalo ng host nation sa World Cup sapul noong 2002 at umaasang makakalusot sa group stage sa unang pagkakataon sapul ng Soviet era.

Unang umiskor si Yuri Gazinsky para sa Russia sa pamamamagitan ng header mula sa cross ni Alexander Golovin.

Sumunod na umiskor ang substitute na si Denis Cheryshev na nakadalawa sa kabuuhan ng laro. Unang iskor niya ay mula sa isang chip sa 43rd minute para sa 2-0.

Pangatlo ay ang goal ni Artyom Dzyuba sa 71st minutes mula sa cross ni Golovin para sa 3-0. Umiskor mulia si Cheryzhev pagkatapos ay ang free kick ni Golovin para sa 5-0 win ng Russia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?