198

Jul 18, 2018 @ 20:50
By

World Cup crown utang ng France sa Africa

AFRICA daw ang nagpanalo sa France sa World Cup, ayon kay Venezuela President Nicolas Maduro.

Tinalo ng France ang Croatia 4-2 sa final sa Moscow noong Linggo, pero hindi purong French ang mga miyembro ng team – 14 players ang may African heritage. Filipino rin ang mga magulang ni reserve goalkeeper Alphonse Areola.

“The French team won although it looked like an African team. Actually, Africa won – the African immigrants who arrived in France,” pahayag ni Maduro sa isang event sa capital Caracas nitong Lunes.

Dalawa sa scorers kontra Croats ay may dugong African.

Mula sa Guinea ang mga magulang ni Paul Pogba, samantalang Cameroonian at Algerian ang mga magulang ni Kylian Mbappe, ang 19-year-old star striker ng team.

Hirit pa ni Maduro, panahon na para itigil sa Europe ang diskriminasyon laban sa African immigrants.

“No more racism in Europe against the African people, no more discrimination against immigrants,” giit ni Maduro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?