43

By

World Bank: Ekonomiya ng PH, sisipa sa 6.7% sa 2018-2019

Sharing is caring!

Nananatili ang growth projections ng World Bank (WB) sa ekonomiya ng Pilipinas.

Sa pahayag na inilabas ng WB, sinabi nitong sa 2018 at 2019 ay patuloy sa paglawig ang ekonomiya ng bansa sa 6.7 porsiyento sa kabila ng pagtaas ng “global uncertainty”.

Pero ang taya ng WB ay mas mababa sa 7-8 porsiyento na target ng gobyerno hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The government’s ability to carry out its investment spending agenda will determine if the Philippines can achieve its growth target of 6.5-7.5 percent over the medium term,” sabi ni Birgit Hansl, WB lead economist para sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Hansl, malaki umano ang maitutulong ng mas mataas na private investment para lalo pang mapalakas ang ekonomiya ng bansa.

Sa unang bahagi ng 2018, nananatili pa rin ang Pilipinas sa mga sumisipa ang ekonomiya sa rehiyon matapos tumaas sa 6.8 porsiyento ang economic growth nito mula sa 6.5% at 6.4% noong nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?