60
roy
By

Work stoppage sa Boracay, iniutos ng DENR

Sharing is caring!

Ipinag-utos ni Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu ang pagtigil ng lahat ng isinasagawang konstruksyon sa isla ng Boracay.

Sinabi ni Usec. Jonas Leones, ang tagapagsalita ng DENR, na ang utos ay bunsod ng lumabas na video sa social media kung saan mapapanood ang diumano’y pagwasak sa isang magubat na bahagi ng isla.

Ang pinapatag na lugar ang diumano’y pagtatayuan ng isang mega casino-hotel complex.

Ayon kay Leones, nais ni Cimatu na mabigyang-linaw muna ang video bago maaaring ituloy ang mga konstruksyon sa isla.

Ngunit sinabi na ni Leones na ang video ay kuha may isang buwan na ang nakakalipas at hindi pa isinasara ang Boracay.

Dagdag pa nito, maaaring ang nakuhanan sa video ay ang pagpapagawa ng isang kalsada.

Nabatid na sakop ng work stoppage order ni Cimatu maging ang mga ginagawa sa mga pribadong establisyimento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?