118

By

‘Work from home’ bill, isinabatas na ni Duterte

Maaari nang magtrabaho sa bahay ang mga empleyado matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Telecommuting Act.

Batay sa batas, maaaring pumasok sa “work from home arrangement” ang kumpanya at empleyado nito sa voluntary basis.

Ayon din sa batas, ang “telecommuting” ay work arrangement na nagpapahintulot sa empleyado sa pribadong sektor na magtrabaho sa altenatibong work place gamit ang telecommunication o computer technologies.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?