By

Woods kontra Els, hapit sa 2019 Presidents Cup

Sharing is caring!

Nakalinya na naman ang classic duel nina Tiger Woods at Ernie Els sa Presidents Cup.

Unang ini-report ng Morning Read na magiging captains ng 2019 Presidents Cup sa Royal Melbourne Golf Club sa Australia — si Woods para sa US team, si Els sa Internationals.

Ayon naman sa ESPN, ipapakilala ang dalawa bilang captains sa Arnold Palmer Invitational ngayon.

Si South African Els ay 48 na, 42 naman si Woods. Sila ang naging mukha ng golf sa nakaraang dekada.

Sa mga nakaraang taon, bumagal at nawala sa laro si Woods dahil sa back injuries. Assistant siya kay Steve Stricker sa Presidents Cup noong isang taon, pumayag na ring maging vice captain sa Ryder Cup sa France ngayong 2018.

Nagsimula noong 1944 ang Presidents Cup para bigyan ng pagkakataon na makalaro ang international players na hindi taga-Europe. Isang beses pa lang nanalo ang International – noong 1998 sa Royal Melbourne.

Unang nagduwelo ang dalawa sa torneo sa playoff noong 2003 sa South Africa. Tabla sila pagkatapos ng three holes, tinigil ang laro dahil madilim na. Nagkasundo ang dalawang teams na mag-share na lang sa cup.

Nakakawalong palo na sa Presidents Cup si Woods, ganundin si Els na katabla nina Adam Scott at Vijay Singh sa most player appearances sa Internationals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?