163

Dec 4, 2017 @ 15:17

Wonder Woman, may bagong lover

May bago umanong love interest si Wonder Woman, ayon sa direktor nito na si Patty Jenkins.

Sa upcoming Wonder Woman 2, sinabi ng direktor sa Geek Crusade na matatagpuan ni Diana Prince o Wonder Woman, ang kanyang ‘great’ love.

Hindi naman umano nagbigay ng iba pang detalye si Jenkins hinggil dito.

Sa comics story nito, dini-date ni Diana ang human rights advocate na si Trevor Barnes at si Superman. Mayroon din itong atraksiyon kina

Batman at Aquaman ngunit isa kaya sa mga ito ang magiging ‘great love’ niya?

Naging box-office hit ang Wonder Woman na pinagbidahan ng Israeli actress at model na si Gal Gadot na humamig ng $821 milyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?