32
wonder-woman
By

Wonder Woman may bagong costume, Kristen Wiig bagong kalaban

Sharing is caring!

Magsisimula na ng filming ang Hollywood star na si Gal Gadot para sa Wonder Woman 2 kaya naman pinost nito ang kanyang pagbalik sa gym para mag-training at mag-workout.

Paghahanda ito para sa mga malalaking eksena ng Wonder Woman 2.

May personal trainer si Gal na si Magnus Lygback at ito ang magbabalik ulit sa kanyang Wonder Woman form.

Ang location ng sequel ay magaganap sa Washington D.C. at sa isang mall sa Virginia. Bibihisan nila ang locations dahil ang time period ng movie ay 1984. Si Patty Jenkins pa rin ang magdidirek ng Wonder Woman 2.

Isa pang location ng film ay sa Canary Islands in Spain kunsaan kukunan ang tirahan ni Wonder Woman na Paradise Island.

Makakasama sa movie ay ang writer-comedienne na si Kristen Wiig na gaganap bilang kalaban ni Wonder Woman na si Cheetah.

Magkakaroon din ng bagong costume si Wonder Woman bilang battle gear niya sa mga makakalaban sa sequel. Sa November 1, 2019 pa ang playdate ng Wonder Woman 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?